Ang Gago Ko
Gago, talaga ang gago
noon paman ang dami nang iniisip ko
pamutlamutla lamang kapag naka sakay sa barko
mga upuan naka tagilid at ako'y naka upo
sa isipan palang ay "Kailan tayo tatagpo" ang gago....
tinignan ko lang
mga bagay na pakislap, sandali lamang
katulad nang konti mong mga ngiti na pasindak
hindi ko na asahan
na mawawala ako kahit minsan kapag akoy naka tingin
masakit man sabihin ngunit ang gago ko parin
ang gago ko na hindi ko nakita na ganyan pala
noon ay inisip ko sanay ang pakiramdam nato ay mawala
nung nawala kana sa mga mata ko'y akoy na bigla
bakit ganito, nawala na ang pakiramdam, nawala na rin ang sigla
ko..oo..pabalik-balik ang gago
dahil masakit sa pakiramdam na hindi ako nag bago
noon paman ay ganito parin ako, parang naka tayo sa entablado
pero ngayon na laman ko na isa lang pala ang nakatingin
ikaw lang at parati ko sasabihin
ikaw lang, ikaw lang, ikaw lang ang kaya kong yayakapin
ikaw lang ang kaya mag pa kalamado sa akin
ikaw lang ang hindi ko malilimutan kahit minsan
ngunit ngayon ko lang nalaman
ngayon ko lang nalaman
ang gago, oo tangap ko na ang lahat
sayang hindi ko na unawa ang sinulat mo sa aklat kong nakasabi
"Bawal ba na magkagusto sa tao, na walang pakialam kapag gusto niya ako?"
talagang ang gago ko
nalaman muna pala kaso hindi ako naniwala
tinangihan ko ang mga opportunidad, at doon ako nawala
noong bumalik na ang pakiramdam nalaman ko ang lahat
bakit nagbabago ako, at ano ang tama at sapat
naibibigay sayo, lahat, ibibigay sayo lahat
ano ang tama at mali ano ang mga bagay na karapatdapat
Apat...lang na buwan hindi nagkausap
Apat na linggo akong nag-isip
susubukan ko bang makiusap sayo ulit?
baka nagalit ka sakin at oo may tama ka diyan
alam ko nang nag sinungaling ako sa aking sarili pero pwede bang pagbigyan
muna lang ako
sasabihin ko ulit talaga ang gago.
Dahil sayo ako'y nag bago, dahil sayo akoy nakapagtanto
saan ako pupunta ngayon na wala na akong kausap.
saan ako iiyak at aasahin na may magpapasaya saakin
masakamit mang aminin pero hindi ko nakaya
"Ang gago ko pala, wag muna akong pag bigyan. Masaya kasana, palaging nakangiti kasi iyon ang bumago sakin ang iyong ngiti."
At ngayon sailalim ng kama lang ako tatago
at parati ko uulitin sa sarili ko "Ang gago, ang gago"